10 Mar 2025, Mon

PEOPLE’S PARK SA LEGAZPI, BUKAS NA ANG BAHAGING MAY MGA NAGTITINDA

Opisyal nang nagagamit ang bahagi ng People’s Park sa Legazpi kung saan pinayagan nang mag-operate ang mga tindahan. Sa pangunguna ni Mayor Alfredo “Pido” Garbin, layunin ng parke na magbigay ng oportunidad sa maliliit na negosyante habang dinadagdagan ang mga destinasyon para sa mga turista.

Sa kasalukuyan, patuloy ang konstruksyon sa iba pang bahagi ng parke, ngunit ang pagbubukas ng mga tindahan ay isang malaking hakbang patungo sa pag-uswag ng lokal na ekonomiya. Ayon kay Mayor Garbin, malapit nang makumpleto ang kabuuan ng proyekto, at inaasahang magiging sentro ito ng kasiyahan at pag-unlad para sa mga residente at bisita ng lungsod.

Ang People’s Park ay bahagi ng inisyatiba ni Mayor Garbin para sa isang #BagongLegazpi, kung saan ang lahat ay nakikinabang sa progreso.

#TeamAPG #BagongLegazpi #AsensoParasaGabos