Welcome

Your Voice, Your Story, Your Opinyon

PAGLILINAW NG DOH UKOL SA UMANOY INTERNATIONAL HEALTH CONCERN

Posted by:

|

On:

|


Public Advisory | 03 Enero 2025


Naglabas ng pahayag ang Department of Health (DOH) ngayong araw kaugnay ng mga kumakalat na ulat sa social media tungkol sa isang umano’y international health concern. Ayon sa DOH, wala pang kumpirmasyon mula sa mga pinagkakatiwalaang source, kabilang na ang World Health Organization (WHO), o mula sa bansang pinagmulan ng sinasabing isyu.


Ipinapaalala ng DOH na ang Pilipinas, bilang aktibong kasapi ng WHO Member States na sumusunod sa International Health Regulations (IHR), ay may maaasahang sistema para magbigay ng tamang impormasyon ukol sa mga international health concerns.


Tiniyak ng ahensya na gumagana ang disease surveillance systems ng bansa at patuloy nilang biniberipika ang lahat ng impormasyon. Nangako rin ang DOH na ipapaabot agad sa publiko ang anumang mahalagang update.


Hinihikayat ng DOH ang lahat na iwasang magbahagi ng mga impormasyon mula sa kaduda-dudang websites o online sources upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon at kalituhan.


Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa opisyal na Facebook page ng DOH, Instagram (@doh.philippines), o website na www.doh.gov.ph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *