Nagulantang ang mga residente ng Albay matapos mapansin ang mga tarpaulin ni Diday Co, kandidato para Bise Gobernador sa Albay, na sinadyang markahan ng itim sa bahagi ng mukha.
Ayon sa mga ulat, marami nang tarpaulin ang natagpuang napinsala sa iba’t ibang lugar, na tila nagpapahiwatig na organisado at sinadya ang aksyong ito. Maraming Albayano ang naniniwalang malaki ang galit ng mga nasa likod ng insidente, lalo’t mukha mismo ni Co ang puntirya.
Ani ng mga suportadores ni Co, marahil nahihintakutan na ang kalaban dahil sa biglang pag-angat ni Co sa puso at isipan ng mga Albayano.

Bagamat bago sa politika, si Diday Co ay mabilis na nakilala ng mga tao sa Albay dahil sa kanyang aktibong pagbisita sa mga barangay at bukas-palad na pakikipag-usap sa mga residente. Ang insidenteng ito ay tila nagbigay-diin pa sa kanyang pagkakakilanlan, na lalo pang nagpapakilala sa kanyang adbokasiya para sa mas maayos na buhay sa Albay.
Mas Lalong Nakilala si Diday Co Dahil sa Aktibong Pagbisita sa mga Barangay ng Albay
Ang kandidato para Bise Gobernador ng Albay, si Diday Co, ay mas nakilala pa ng mga Albayano dahil sa kanyang walang sawang pagbisita sa mga barangay upang makipag-usap sa mga residente.
Bukod sa pagiging kapatid ng mga kilalang lider ng Ako Bicol Partylist na sina Congressman Elizaldy Co at dating Congressman Kito Co, si Diday Co ay kinikilala bilang isang independiyenteng kandidato na may malalim na malasakit sa mga kababaihan, kabataan, senior citizens, at mga magsasaka. Sa bawat barangay na kanyang pinupuntahan, layunin ni Co na malaman ang mga pangunahing problema ng mga tao at magbigay ng solusyon sa pamamagitan ng epektibong mga programa at proyekto.
Sa kanyang pagtakbo bilang Bise Gobernador, naging mas makulay ang kampanya ni Co dahil sa kanyang tambalan kay Congressman Joey Salceda, na tumatakbo bilang Gobernador ng Albay. Ang kanilang plataporma ay nakatuon sa pagpapalakas ng ekonomiya ng probinsya, pagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa kahirapan, kawalan ng trabaho, malnutrisyon, at kakulangan sa edukasyon at kabuhayan.
Bilang isang tagapagtaguyod ng “green economy,” kasama si Salceda, naniniwala si Co na sa tamang pamamahala, maiaangat nila ang kabuhayan ng bawat Albayano. Anila, ang kanilang tambalan ay may parehong layunin—isang mas maunlad na Albay para sa bawat residente.
Ang sunod-sunod na kampanya ni Diday Co sa mga barangay ay patunay ng kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko. Sa kabila ng negatibong isyu tulad ng insidente sa mga tarpaulin, mas lalo lamang itong naging dahilan upang magising ang interes ng mga tao sa kanyang mga layunin at adbokasiya para sa Albay.