10 Mar 2025, Mon

Revenue Mula sa Quarry sa Albay Umabot ng ₱9M Nitong Disyembre

Inanunsyo ng pamahalaang panlalawigan ng Albay na umabot sa ₱9 milyon ang revenue mula sa quarry operations nitong nakaraang Disyembre, na mas mataas kumpara sa dating koleksyon. Naiulat na noong Setyembre 2024, nasa ₱56 milyon pa lamang ang kabuuang koleksyon, o tinatayang ₱6.22 milyon kada buwan. Malaking pagbabago ang naitala matapos i-reorganisa ni Acting Governor Glenda Bongao ang Task Force Quarry, na nagresulta sa mas mahusay na pamamahala at pangongolekta ng kita.

Ayon kay Bongao, ang nasabing pondo ay ilalaan para sa iba’t ibang programa ng pamahalaang panlalawigan, kabilang na ang inisyatibong “Boulders para sa mga Albayanong Olders,” na layong magbigay ng pinansyal na tulong sa mga senior citizens na may edad 90 pataas.

Sa ilalim ng programa, makatatanggap ng ₱10,000 ang mga senior citizens na may edad 90 hanggang 94, habang ₱20,000 naman ang matatanggap ng mga nasa edad 95 hanggang 99. Idinagdag pa ni Bongao na hindi na kailangang hintayin ng mga senior citizens na umabot ng 100 taon upang makatanggap ng tulong-pinansyal na karaniwang ibinibigay ng gobyerno.

Samantala, tiniyak din ng gobernador na patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) sa mga operasyon ng quarrying sa lalawigan. Sinabi niyang strikto nilang sinusuri ang mga aplikasyon ng quarry operators upang matiyak na hindi napapabayaan ang kalikasan sa kabila ng patuloy na operasyon sa quarry.

2 thoughts on “KOLEKSYON SA QUARRY SA ALBAY UMANGAT”
  1. Eu ini an marhay n bareta kapwa ko albayano,,kumparaha dw nindo kan mga nkaagi ska kamu mgsabi qng sisay an tunay n may malasakit na taga serbi

Comments are closed.