Welcome

Your Voice, Your Story, Your Opinyon

DSWD Secretary Rex Gatchalian makikipagpulong sa DOLE at NEDA para sa Bagong Guidelines ng AKAP

Posted by:

|

On:

|

Makikipagpulong si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian ngayong Biyernes, Enero 3, kasama ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) at National Economic and Development Authority (NEDA) upang talakayin ang bagong guidelines para sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Ang AKAP, na bahagi ng 2025 General Appropriations Act (GAA), ay isang programa ng social assistance na nakatuon sa mga manggagawang mababa ang kita na nasa poverty line.

Tinatayang aabot sa limang milyong benepisyaryo ang makikinabang sa programang ito ngayong taon. Ayon kay Irene Dumlao, tagapagsalita ng DSWD, nagsusumikap ang ahensya na ma-release agad ang pondo, na kasalukuyang nasa conditional release status.

“We look forward to enhancing [current guidelines] with DOLE and NEDA, as stipulated by budget provisions,” ani Dumlao. Bagama’t may ilang pagtutol mula sa ilang mambabatas, kabilang na si Sen. Imee Marcos, kapatid ng Pangulo, hindi ini-veto ng Pangulo ang P26-bilyong pondo para sa programa.

Ngunit binigyang-diin ng Pangulo na nais niyang ang pondo ay ma-release lamang pagkatapos ng “convergence” o koordinasyon sa pagitan ng DSWD, bilang lead agency, at ng dalawang ahensya.

Samantala, noong Nobyembre ng nakaraang taon, ilang mga lider ng Kamara, kabilang ang mga vice chairpersons ng committee on appropriations, ang nangakong ipaglaban ang pondo ng AKAP sa 2025 national budget.

Inilarawan nila ang programa bilang isang “lifeline” para sa milyun-milyong manggagawang minimum wage earners na hindi saklaw ng ibang tulong mula sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *