Welcome

Your Voice, Your Story, Your Opinyon

DIDAY CO: ISUSULONG ANG MAS PINAIGTING NA TURISMO SA ALBAY

Posted by:

|

On:

|

Legazpi City, Albay – Bilang isang tourism graduate at cum laude mula sa University of the Philippines, determinadong palakasin ni Diday Co ang turismo sa Albay, kasabay ng pag-asa niyang magwagi sa darating na 2025 gubernatorial at vice-gubernatorial elections kasama si Albay 2nd District Congressman Joey Sarte Salceda bilang running mate.

Sa harap ng 119% na recovery rate ng turismo sa bansa mula noong pre-pandemic levels ng 2019, ipinahayag ni Co na kayang malampasan ng Albay ang tagumpay na ito sa tulong ng wastong pagtuon sa pag-develop ng tourism infrastructure projects.

Ayon sa Department of Tourism, nakapagtala ang bansa ng ₱712 bilyong kita mula Enero 1 hanggang Disyembre 15, 2024. Sa ganitong konteksto, binigyang-diin ni Co ang kahalagahan ng maayos na mga kalsada, lalo na ang mga nag-uugnay sa iba’t ibang tourism sites sa bawat bayan at lungsod sa Albay.

Sa tulong ni Congressman Salceda at ng kanyang kapatid na si Ako Bicol Representative Elizaldy Co, na kasalukuyang namumuno sa makapangyarihang Committee on Appropriations, tiniyak ni Diday Co na maipaprioritize ang paglalaan ng kinakailangang pondo mula sa pambansang pamahalaan para sa mga proyektong pang-turismo sa Albay.

Dagdag pa rito, sinabi ni Co na makatutulong din ang pag-oorganisa ng malalaking events na maghihikayat ng lokal at dayuhang turista. Isa sa mga patunay nito ay ang tagumpay ng kauna-unahang Bicol Loco Festival noong nakaraang taon, kung saan dinagsa ng mga bisita ang probinsiya.

Ipinaliwanag ni Co na kung sila ni Salceda ang mauupong gobernador at bise gobernador ng Albay, maipagpapatuloy nila ang mga nasimulang aktibidad at maglulunsad pa ng iba pang proyekto upang higit pang palakasin ang turismo.

Binigyang-diin din niya na noong si Salceda ang gobernador ng Albay mula 2007 hanggang 2016, naging numero uno ang Albay sa bansa pagdating sa tourist destinations.

Bilang tourism graduate, malalim ang pang-unawa ni Co sa mga kinakailangan upang gawing mas competitive ang turismo ng Albay, na may layuning palaguin ang ekonomiya ng probinsiya at magdulot ng mas magandang kabuhayan para sa mga residente nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *