Masiglang nakibahagi si dating Legazpi City Councilor Alan Rañola sa mga year-end conference ng iba’t ibang barangay sa lungsod. Ang naturang mga pagtitipon ay nagsilbing selebrasyon ng Pasko para sa mga halal at appointed na opisyal ng barangay.
Sa mga larawang ibinahagi ni Rañola sa social media, makikita siyang aktibong nakikipag-usap at nagbibigay ng mensahe sa harap ng mga dumalo sa ilang barangay year-end meetings.
Ayon kay Rañola, ang kanyang pakikiisa ay bahagi ng kanyang hangaring makisalamuha sa mga lider ng barangay, makinig sa kanilang mga hinaing at aspirasyon, at higit sa lahat, maipadama ang kanyang suporta sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa komunidad.
“Ang mga barangay ang pundasyon ng ating lokal na pamahalaan. Mahalagang marinig ang kanilang mga pangarap para sa kani-kanilang nasasakupan,” ani Rañola.
Patuloy niyang pinapalakas ang kanyang ugnayan sa mga barangay, pinapakita ang kanyang malasakit at pagkilala sa mahalagang papel ng mga barangay officials sa paghubog ng mas maayos at progresibong Legazpi City.
Leave a Reply