10 Mar 2025, Mon

FIRST EVER SOLAR-POWERED WATER SUPPLY SYSTEM SA MALILIPOT, MALAPIT NANG INAUGURAHAN

Malapit nang ilunsad ang kauna-unahang solar-powered water supply system Level II sa Barangay San Antonio Santicon, Malilipot, Albay, ayon kay Cong. Jil Bongalon.

Ang proyektong ito ay magbibigay ng malinis, libre, at 24/7 na supply ng tubig para sa mga residente sa isla. Ito ay isang malaking hakbang patungo sa mas maayos na serbisyong pangkomunidad, kasabay ng layunin ng Ako Bicol Partylist na magdala ng tunay na pagbabago at kaunlaran sa bawat sulok ng Albay.

Ayon kay Cong. Bongalon, ang proyektong ito ay bahagi ng inisyatibong #BagongPrimerDistrito, na naglalayong itaas ang antas ng pamumuhay ng mga residente sa unang distrito ng Albay, at magbigay ng de-kalidad na mga proyekto na tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad.

Abangan ang opisyal na inagurasyon ng makabagong water supply system na magdadala ng malinis na tubig at mas maliwanag na kinabukasan para sa mga mamamayan ng San Antonio Santicon.

#CongJilBongalon #AngatAngLahatSa1D #BagongPrimerDistrito #GlobalAlbay #AkoBicolPartyList