Legazpi City, Philippines – Ipinahayag ni Albay Liga ng Barangay President Hisham Ismail ang malaking pagbabago sa implementasyon ng P100,000 Aid to Barangays Program, na ngayon ay mas pinasimple at idadaan na sa isang bagsakan kada munisipyo.
Ayon kay Ismail, bagamat may kaparehong programa sa nakaraang administrasyon, napakababa ng nakinabang dito. Sa tala, 136 lamang sa 721 barangay ang nakakuha ng ayuda noong nakaraan dahil sa masyadong mahigpit at komplikadong mga rekisitos.
Problema sa Nakaraang Programa
Idinagdag din ni Ismail na bagamat may nakasaad na Php72 million pondo para sa nakaraang programa, hindi nito nagawa ang layunin dahil Php13.6 million lamang ang nagamit. Dahil dito, ang malaking bahagi ng hindi nagamit na pondo ay na-divert at ginamit ng Kapitolyo para sa ibang proyekto.
Mas Pinadaling Proseso
Sa ilalim ng bagong programa, ang mga presidente ng Liga ng Barangay sa bawat lungsod o munisipyo ang aayusin ang dokumentasyon para isang bagsakan nang maibigay ang Php100,000 ayuda sa bawat barangay. Layunin nitong masigurong lahat ng barangay ay makikinabang at maibsan ang hirap sa pagproseso ng mga kinakailangan.
Mga Pwedeng Paggamitan ng Ayuda
Batay sa mga nakasaad sa opisyal na dokumento, ang P100,000 Aid to Barangays ay maaaring gamitin para sa mga sumusunod:
• Preservation and Enrichment of Culture: Para sa mga proyektong nagtataguyod ng lokal na sining at tradisyon.
• Promotion of Health and Safety: Mga inisyatibo para sa kalusugan at kaligtasan ng mga residente.
• Environmental Balance: Pagprotekta sa kalikasan at pagtataguyod ng balanseng ekolohiya.
• Development of Scientific and Technological Capabilities: Pagsuporta sa makabagong teknolohiya at agham.
• Improvement of Public Morals and Economic Prosperity: Mga proyektong nagtataguyod ng maayos na pamayanan at kaunlarang pang-ekonomiya.
• Employment Promotion: Mga programang nagbibigay ng oportunidad sa trabaho para sa mga residente.
• Peace and Order Maintenance: Pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
• Convenience of Residents: Proyektong magpapahusay sa kalidad ng pamumuhay ng komunidad.
Direktang Download at Mas Mabilis na Pagkilos
Ang pondo ay idodownload diretso sa mga barangay at susunod sa usual budgeting, accounting, at auditing rules and regulations upang masigurong wasto ang paggamit nito.
Ang bagong proseso ay tinuturing ni Ismail bilang isang malaking tagumpay para sa mga barangay sa Albay, at isang hakbang patungo sa mas makatarungan at epektibong distribusyon ng suporta sa grassroots level. Sa ganitong pagbabago, masisiguro na ang pondo ay mapupunta sa tamang layunin at makakatulong nang malaki sa bawat barangay.
Sana Dito sa Amin mayron din
Sana Isa rin po ako
Sana makasali din ako sa mabigyan Ng Isang libo
Kasama po ba dto Yung sa AKAP ? Isa po Kasi ako sa mga Person with Disability na Kasama sa AKAP pero d ako naka claim dahil lang sa may mali daw sa pangalan 🥺 malaking tulong pa nmn po sana yun sa amin ng anak ko . Lalo di ako nakakapagtrabaho . For re schedule daw pero Hanggang Ngayon wala pa ring Balita . 😭
Sna isa rin po ako sa makatanggap slmat po godbless malaking tulong po i2 para sa aking pamilya 😊❤️