10 Mar 2025, Mon

17 Rescue Vehicles Ipinamahagi sa Pioduran

Labing-pitong (17) rescue vehicles ang opisyal na naipamahagi para sa bayan ng Pioduran, na naglalayong mapalakas ang kapasidad ng bayan sa emergency response. Ang proyektong ito ay bahagi ng inisyatibo ng “Angat ang Lahat sa 3D,” sa tulong ni Adrian Salceda, Constant Kindness Global Albay, at CongGov Joey Salceda.

Ayon sa ilang opisyal ng lokal na pamahalaan, malaking tulong ang mga rescue vehicles na ito sa bawat barangay ng Pioduran, lalo na sa pagtugon sa kalamidad at emergency situations. Hinihikayat din nila ang iba pang partido na tumulong sa pamamagitan ng pagbigay ng karagdagang suporta tulad ng rescue vehicles o tricycle para sa mga barangay.

Ang hakbang na ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap para sa kaunlaran at kaligtasan ng bawat mamamayan ng Pioduran.

One thought on “17 Rescue Vehicles Ipinamahagi sa Pioduran”

Comments are closed.